Upang mapangalagaan ang aming mga empleyado sa dulot ng COVID-19, ang TERWD ay pansamantalang hindi magsasagawa ng “actual meter reading” at “delivery of water bills” simula ngayong araw hanggang ika-8 ng Abril 2020.

Ang gagawing basehan ng konsumo ay ang “average daily consumption” ng nakalipas na 3 buwan at kung anuman ang magiging kaibahan kumpara sa actual meter reading, matapos ang Enhanced Community Quarantine, ay idaragdag o ibabawas sa inyong susunod na water bill.

Nasa ibaba ang sample computation na aming gagawin. Para sa karagdagang katanungan ukol dito, maaari po kayong tumawag sa 0917-861-1706.

Maghintay lamang po sa mga sususunod pang anunsyo.